i need to study!!!

midterm na next week…

kelangan ko na talagang mag-aral… ngaun lang ata yung midterm na sobrang tinamad ako… di na ko nagnonotes… at kapag nasa klase ako, di ko maiwasang isipin na "masarap talagang matulog" lalo pa’t malamig ang classroom…

kelangan ko na talagang mag-aral… ngaun lang yung midterm na tinake for granted ko ang mga quizzes, projects, at reflection papers ko… nakakapagod na kasi eh… kapag nasa bahay naman ako… nakikita ko ang kama sa kwarto ko… iniisip ko nanaman "masarap matulog… gusto ko ng matulog!!!" para san nga ba ang kama kung hindi tutulugan ng may-ari dibah?

kelangan ko na talagang mag-aral… ngaun lang yung midterm na kinakabahan ako… hindi naman sa di ako kinabahan dati… pero ngaun lang yung grading period na malaki ang hahabulin kong grade… at wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko… naging pabaya ako ngaun eh… ewan nga ba kung bakit… siguro kasi tulog lang ang nasa isip ko parati…

kelangan ko na talagang mag-aral… eto na ang huli… mag-aaral na talaga ako… kung ayaw kong bumagsak… ayan… dapat na akong magsipag… pero inaantok na ako… kaya sa weekend na lang ako mag-aaral… oh kaya a night before ng exams… mahilig naman akong mgcram eh… mas effective sa akin… oh well… bastah kelangan ko ng mag-aral… pero sa ngaun, matutulog muna ko… masarap talagang matulog eh…

One Response to “i need to study!!!”

  1. - che - Says:

    hindi maxadong colorful…
    hahahaha!!!

    pagstudy uy!!!

Leave a Reply